Monday, August 5, 2013

Day 3

1. Basic crunch - 30 times
2. Long arm crunch - 30 times
3. Simple plank - 30 seconds
4. Roll up - 15 times
5. Situps - as usual, failed
6. Side plank (right and left) - 20 each side
7. Leg drop - 10 times
8. Alternate superman - 20 times
9. Squats? - 20 times
10. Jump in rope - 200 jumps
11. Walk in place - 5 minutes

Kahit na masama ang loob ko dahil sa balitang nakarating sa akin.. Ayan, ipinagpatuloy ko pa rin ang exercise..
Sa ngayon, hindi ko alam kung nag-improve ako.. May mga nadagdag sa workout ko.. May nabawas sa biglan at may hindi pa rin ako magawa..
Okay na yan, hindi ako nagmamadali.
Wala na ang dahilan kung bakit ako nagpapapayat..
Bahala na..
Sana yung kaibigan ko sa opisina may makita na boxing or kickboxing na pwedeng pag-enroll-an.. Sana makasama ko rin siya.. :)

Sunday, August 4, 2013

Day 2

Day 2 na naging Night 1..

Sabi ng aking mamahaling kaibigan na si chindhie.. Alternate days lang gagawin ang exercise.. Mas effective daw un.

Ayun, hindi ko siya sinunod. Ang hindi ko lang ginawa ay yung workout para sa abs..

Jumping rope (Jump-in-rope) - 400 jumps
Walking place (Walk-in-place) - hindi ko alam basta ginagawa ko yan after ng 100 jumps. Hindi ko rin maalala kung lang minuto ko yan ginagawa.

So far, naka-30mins ako na exercise? Pagpapapawis ngayong araw na naging gabi..

Achievement na ito para sakin. Madali kasi akong sumuko lalo na kapag ayaw ko yung ginagawa ko. Sana magtuloy tuloy na ito.
Sana dumating yung araw na mailalabas ang bagong version ni heinahmei.

heinahmei version 3.0 soon..

Maraming salamat sa iyo kasi ikaw naging inspirasyon ko maliban kay chindhie..

Masasabi ko rin sa iyo ito..

"Excuse me, do I know you?"

Taray! Pero siyempre hindi ko sa iyo gagawin yan.. Kasi hindi kita kakausapin.. 

XD

Friday, August 2, 2013

Heart was designed like a calculator..

.

Kamote! Naunahan na pala ako.. Ngayon pa lang ako nag-iisip para sa calculator, may nakasulat na pala..

"Isipin mo na lang kung ang puso ng bawat tao ay hango sa design ng isang calculator. Pwede mong i-set ang function. Pwede mong i-off ang kakayahan nitong magmahal. Madali lang din naman ibalik kapag pwede na. At ang pinaka importante sa lahat, gaya ng karamihan sa ating mga electronic na kagamitan, kung sakaling magka-problema tulad ng sitwasyon ko, napaka-applicable ng time-tested na pangunang lunas; ang katok at ihip..."


-nakuha ko po pala ito sa blog ng officemate ko na nakuha niya sa blog/facebook/etc. ni akoposijayson..


Op amp! Mali pa ata ung nabanggit kong account..


May idadagdag lang ako...


Preconditions: fx-991ES PLUS is used. Calculator literate.


Press Shift + 9.


Result: Clear? 1: Setup

2: Memory
3: All

Pwedeng ganun na lang gawin para makalimot. Ang problema nga lang, hindi na pwedeng i-undo o irestore mula sa recycle bin o kaya kahit isang libo ng memory plus capsule ang inomin mo, isama mo na pati box, hindi mo na maaalala lahat.


-frustrated writer/blogger


Kamote! Walang katalent talent sa pagsulat at paggamit ng maganda salita! XD

Day 1 part 1

Workout 1
1. Basic crunch - 10 times
2. Long arm crunch - 10 times
3. Simple plank - 10 seconds
4. Roll up - 10 times
5. Situps - failed
6. Jump rope - 200 jumps

Failed ung situps.. Hindi ako tinulungan ng kapatid ko.. Walang uupo kasi dun sa paa ko. Kamote lang..

Mamaya.. Jog naman mamayang gabi.. Tapos isang ulit nung workout 1..
Sana magawa ko na mamaya ung situps..

Antagal ko rin palang hindi nag-exercise.. Simula nung nakareceive ako ng job offer natigil tapos nagkasunod sunod ung ulan..

Okay na ung pakonti konti para hindi ako mabigla.. Sana next week times 2 na magagawa ko..

Tara! Samahan mo ako. Maging fit and healthy na tayo!

Tuesday, July 23, 2013

XNOR

Pagkagising na pagkagising ko, narealize ko na XNOR GATE ang pinakasummary ng pag-ibig~~ hahahaha!

Sa pagkakatanda ko, mag-o-ON lang ang XNOR kapag ang parehong inputs ay pareho..

Angulo no? Babawan natin ang explanation.

Halimbawa, si Boy at si Girl same ng religion.. Pwedeng mag-ON yan, pero kung hindi.. OFF dapat yan~~


Ainaku~ ano na naman ba ang meron bakit ako nagpopost ng walang kakwenta kwentang bagay?

Basta ang alam ko, nakausap ko siya kagabi~~ medyo may pagka-slang ang salita nia.. XD

ANDOR GATES

Ako ay nagbabalik para sa isa na namang walang kwentang blog post ko.


Itong blog entry ko ay para sa mga nakakaunawa ng logic gates upang mas madaling maintindihan.


Ang pag-ibig para sa amin na kaanib sa religion namin ay maihahalintulad ko sa AND GATE. Magiging ON lang kapag ang lalaki at babae ay same religion lang.


Pero may mga taong sadyang pasaway lang na gumagamit ng OR GATE. Magkaiba ng religion si boy kay girl or si girl kay boy, pero nagiging ON parin.


Pero gusto kong subukan ang OR GATE~~ hahahaha!


Wala akong pinatatamaan rito ahh..


Hanggang dito na lang.. Nagbubuffer ang isip ko~~ TT-TT

Sunday, May 5, 2013

chopsuey~~

Ang blog daw ay para lang sa dalawang klase lang. Those who have the right and those who only have nerve.

Aaminin ko, kabilang ako dun sa pangalawa. haha!

chopsuey lagi ang mga topics ko.

so far, hindi ako masyadong gumagamit ng English.. hindi ko kaya, baka maging sabog sabog lang.

ayun, walang kwenta topic ito..

may nabasa lang ako kaya ako nag-post ulit.

natamaan kasi ako.. hahaha!

good night!