Wednesday, November 28, 2012

I wish that my wishes will come true. :)

Anong meron at puro wish ang title nito? Alam mo na ba? hahaha! O sige, nabanggit na rin ang wish na yan, ito ang aking mga wish list para sa akin araw..

  1. Iphone 4S 64GB Black. Ayaw ko ng Iphone 5.
  2. The new Ipad 64GB Black. Pwede na rin yung Ipad mini.
  3. Casio Privia 735-PX Black.
  4. My First Date with Leeteuk (Park Jungsoo). Maganda rin kung palagiang date yan. :)
  5. Boyfriend Contract with Leeteuk. Actually asawa ko na siya, kaya lang sa isip ko lang. Ang gusto ko siyempre yung totoo. Kahit contract lang, one week ko siya maging boyfriend, okay na sa akin. Sobrang saya ko na nun.
  6. End-of-Boyfriend Contract with Leeteuk. Si Eunhyuk (Lee Hyukjae) naman ang maging boyfriend ko at maging asawa ko na for life. :) hahahaha! Gusto ko sana si Leeteuk ang maging asawa, kaya lang masyado na siyang matanda. Hindi na niya ako mahihintay.
  7. Job offer. Gusto ko job offer galing sa Bitmicro o kaya sa MDS o kaya sa kahit anong company na nag-oofer ng work na Electronics Design Engineer.
  8. Maging kasing galing ni Sir Attack. Idol ko si Sir! Mahusay na at humble pa.
  9. Maging mayaman at sexy ako!
  10. At higit sa mga ito, Gusto ko magkaroon ng isang malaking freezer na ang puro laman ay iba't ibang flavor ng ice cream!!!


Alin kaya diyan ang magkakatotoo? Hanggang kailan ko hihintayin yan? Ang tagal naman. Naiinip na ako.

Teka lang, pero materyal na bagay at pansariling kapakanan ko lang yan...
Siyempre, higit sa lahat ng iyan... ang pinakakahiling ko ay...


  1. Ang makatugtog. Hindi ko na babanggitin kung anuong pagtugtog yan. Basta. Ito kasi yung pangako ko sa Kanya na kapalit ay yung sa board exam. Ginawa na Niya. Tulungan Niya muli ako na matupad yung pangako ko. :)
  2. Ang maging healthy ang family ko.
  • Pinakauna, si lola ko.
  • Si tatay at mommy ko.
  • Ang mga kapatid ko.
  • Ang mga tito ko.
  • Ang mga tita ko.
  • Ang mga pinsan ko.
  • Ang mga kaibigan ko.
  • Ang mga kakilala ko.
  • Ang mga umiidolo sa akin. (Meron ba? Ilan ang fans ko rito? Chos!)
  • At panghuli, ang mga kaaway ko. Wag na kayong pumalag... Kaaway ko nga kayo eh... Kaya panghuli kayo~~ Peace!
Idagdag mo pa sa hiling ko ang.. Maraming blessings sana ang dumating sa akin at sa family ko.

At ang pinakahuli... Hindi ako sigurado kung hinihiling rin ito... Pero para sigurado.. Hihilingin ko na rin. :)

Ang maging isa akong mabuting tao. :)

Friday, November 9, 2012

wat-es-kul?

Naalala ko lang, nakwento ng tatay ko na may officemate siya na niyayabangan siya. Sinabi niya sa tatay ko "There are only two schools in the Philippines. UP (University of the Philippines) and Others."
Ang sagot naman ng tatay ko sa officemate niya, "Ganun rin ang sa akin. There are only two schools in the Philippines. LC (Laguna College) and Others."

Napanood ko sa TV kanina na tumaas na naman ang mga walang trabaho dito sa Pilipinas ngayon. Ang nakakainis kasama ako roon.

Ngayon ko nararamdaman ang hirap ng paghahanap ng trabaho. Nagsisisi ako kasi may nag-offer na sa akin ng trabaho hindi ko tinanggap. Nagsisisi ako kasi hindi ko dinaluhan yung final interview nung isang company na in-apply-an ko. Kung hindi ako mapili ng kumpanyang papasukan ko, malamang siguro may trabaho na ako at hindi ako kasama sa mga bilang ng walang trabaho. Nakakainis! Ang tanga ko magdesisyon! Feeling ko kasi madali lang ako makakahanap ng trabaho, hindi pala.

Gusto kong magtrabaho sa kumpanyang ito pero sabi nila walang vacant for that position. Nasa isip ko 'sinabi lang kaya nila yun para pampalubag loob? ayaw lang nila sabihin na hindi ka nag-aral sa ganitong school kaya hindi kita tatanggapin. Mas priority namin yung mga nag-aral sa school na ganito.' Hay~~ ayaw ko mag-isip ng negative pero yan talaga ang naiisip ko.

WHAT SCHOOL?

Sana pala, pinagpilitan ko sa mga magulang ko na mag-aral sa paaralan na yun (hindi UP). Nakapasa naman ako sa entrance exam nila. Kaya naman ng magulang ko yung tuition, yun nga lang ayaw nila kasi masyado daw mahal para sa kurso ko. Kainis!

Hindi ko sinisisi ang paaralan ko. Ang sinisisi ko ay ang sarili ko.
Nag-aral naman ako. Sa school nga lang, hindi ko tinutuloy sa bahay. Ang paniniwala ko kasi, sa school dapat mag-aral hindi sa bahay, kaya nga pumapasok sa school para dun mag-aral.

Bakit nga ba hindi ko piangbutihan ang pag-aaral?

Hindi naman ako tanga, slow, bobo, o tamad. Kulang lang ako sa motivation para mag-aral ng mabuti.

Tinutubuan na ako ng inferiority complex sa katawan. Take note! Patubo pa lang... nagsisimula pa lang.

Hay buhay~~

Teka nga, parang ang haba ng nitong pinagsasasabi ko at nalihis ang nilalaman sa title. Ang gusto ko lang mangyari ay magkaroon ako ng sarili kong quote. Ang nangyari ay nagkwento na ako ng kung anu-ano. Pasensya na.

O ito na, para matapos na ito, sasabihin ko na ang dapat sabihin.

Hindi ko alam kung meron na nito. Hindi ko "SINOTTO" ito. Kung meron man nauna sa akin, edi sa kanya na. Basta ang alam ko, ako ang nag-isip nito.

Ito ang aking version...

"There are only two schools in the world. MY school and YOUR school. Palag?" -heinahmei

*CORNY*

Tuesday, October 2, 2012

Low? Law?

Dahil ako ay walang magawa at masipag ngayon gumawa ng blog entry~~ ako'y nagbabalik ulit.

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa... pag-usapan natin yang Cybercrime Prevention Act of 2012? Tama ba? Ang haba masyado ng title. Siguradong mahaba rin ang nilalaman nyan.

Dahil ako'y baguhan pa lamang sa pagsusulat sa blog... nagkamali ka ng binasa. hindi mo dapat binuksan itong post na to.

HELLOW~~? ako nga mismo hindi ko pa nababasa yung mismong article.

Pero nakakasiguro ka at nakakasiguro din ako na marami na tayong hindi magagawa dito sa cyworld. (Ooops! Not Cyworld.kr or us.cyworld.com) Kundi Cyber world!

Alam ko namang alam mo kung ano ang tinutukoy ko.

Anu-ano na ang hindi natin magagawa?

  1. ██████████████████████████████.
  2. ██████████████████████████████.
  3. ██████████████████████████████.
  4. ██████████████████████████████.
  5. ██████████████████████████████.
O diba? ako mismo takot na mag-comment o magpahayag ng nasa isip ko. Kung kelan pa naman ako sumusubok na magsulat dun pa lumabas itong epal na Cybercrime LAW.

Hala~ baka ipahuli ako nung taong source ng liwanag dito na si sa Pinoays.

Dahil inumpisahan ko na, sige.. ire-reveal ko na ung nasa ilalim ng mga black na yan.


  1. Hindi na tayo makakapag-download ng mga mp3, videos, pictures etc., In short babalik tayo sa sinaunang panahon. Yung panahong walang internet. Ang pinagkaiba lang ngayon ay may internet pero wala ng laman sa internet ngayon. (LIKE? OA lang ako. tama na nga. trying hard lang ang dating ko~)
  2. Pangalawa, bawal na mag-comment ng masama. Pustahan~ sasamantalahin yan ng mga tao. Kakasuhan ka na kaagad ng cyber bullying. Kunwari, nagpost ako sa isang sns tapos may nag-comment ng "..." e hindi ko nagustuhan yun. kakasuhan ko na kaagad iyon ng cyber bullying~~ hahahaha (evil laugh)! patay tayo jan kapag nagkaganoon.
  3. HELLOW~~ proteksyon? para saan? sa manloloko? sa mapagsamantalang tao? sa manyak na tao? eh proteksyon sa buwaya? meron ba? hindi na kailangan nyan. ang sabi sa _____, hindi na bubuti pa ang mundo kahit ano pa ang gawin ng tao. parang life cycle of a crocodile lang yan. sana naintidihan niyo yung gusto kong sabihin. ayaw ko na i-elaborate.
  4. Nabanggit ko na rin yang crocodile (hindi lahat crocodile) na yan. ano sila? mga new generation ng mga hacker? bakit nila papakialaman ang personal profile mo? personal profile nga eh?! hindi shared profile with crocodile.
  5. At ang pang-huli... wala na akong maisip. hindi ko nga nabasa yung article eh. nagmamarunong lang. hahahahaha!


Hindi ko na babanggitin yung panghuli. 

Baka makasuhan ako ng kasalanang hindi naman kasalanan.

Very LOW ang LAW.

*Madaya ka! Kasama ka sa nakipaglaban para sa kalayaan noon. Bakit ikaw ngayon ang nangunguna sa pananakop? Hindi kami ang boss mo. Ikaw ang boss namin. Sa katunayan nga, lahat na ng tao nasisilaw at nabubulag sa dala mong liwanag.

...

Monday, October 1, 2012

Kaya pala... Now I know...

Naalala ko yung (one and only), first and last movie ng Super Junior. Yung Attack on the Pin-Up Boys.
Napanood mo yun? Anong masasabi mo? Corny ba? Maganda ba yung story? May mapupulot bang aral o poop sa movie na yun? Waste of time ba? Para lang ba masabi na may movie sila kaya sila gumawa ng ganun?

NOTE: FAN AKO NG SUPER JUNIOR. (wala lang akong maisip >_< naku~~ implemented na ata yung Republic Act No. 10175: Cybercrime Prevention Act of 2012... Baka makasuhan ako ng cyber bullying. Hindi naman po ako nambu-bully!!)

Kung isa ka sa mga anti-fan at hindi ka talaga fan ng K-pop o kung ano pa man, malamang negative ang comment mo. (hindi ko nilalahat aahh.. karamihan lang naman..)

Kung napanood mo yun, naiisip mo ba ang naiisip ko? Malamang hindi. Hindi naman tayo sina B1 at B2. uwak uwak uwak...

Teka nga... Lumalayo na ata ako sa title ng entry na to. Kung nabasa mo yung kauna-unahan kong post, alam mong hindi ako marunong gumawa ng katulad ng ganito at wag mong babasahin yung susunod na sentence kasi para yun sa mga ngayon palang makakabasa ng blog entry ko. :) Pakibasa na lang ung naka-underline na words... Nakakatamad na i-type ulit. Noon ko pa gustong subukang magsulat sa blog. Kaya lang, ayun nga..

Ito na...

Bakit ganoon na lang kung mag-effort sila sa pagsusulat sa blog? Anong benefits ang nakukuha nila?

Wild guess lang... ayon sa movie ng SuJu, nung dumami ung mga nagbi-visit at nagbabasa sa blog ni Kibum. He felt great. It was the first time he ever got so much attention. Kaya pala...

Now I know what Kibum felt. scripted nga pala yun. Nakakatuwang may 16 na nag-aksaya ng kanilang oras para buksan ung kauna-unahang blog entry ko. okay lang naman sakin kung hindi nila binasa un. Wala namang kwenta yung nilalaman nun. Hindi pa magkakakonekta ung mga pinagsasabi ko. Isa na nga lang ung joke nun corny pa. Katulad ng binabasa mo ngayon...

O diba.. Umaasenso na ako ngayon. Mahaba na ngayon yung naisulat ko. Isang achievement ito para sakin.  Maganda rin pala yung wala na akong maisip na gagawin. Nakapagsulat ako ng ganito.

Ito na naman yung pinakamahirap na part. Yung ending. Hindi ko alam kung paano ko ikokonek ung title sa ending. Wala na naman akong maisip. Hindi tulad sa school kapag may assignments o exams, may possibility ako na makakopya. Dito, wala akong mapagkopyahan. Pero pwede ko naman gawin ung ginagawa ko sa school kapag wala na talaga ako maisip. Naiisip mo ba ang naiisip ko? Simple lang.

























:)

First of First

Whoa~~ Unbelievable!

Bago matapos ang October 1st.

Gusto kong review-hin ang nangyari ngayong araw.

  • Unang beses kong gumawa ng post sa cyworld at wordpress.
    • oo! maniwala ka! unang beses kong nakapag-post dun kahit na dati na akong member dun. hindi ko kasi alam kung ano ang mga dapat isulat. ayun~ naglakas-loob lang ako na gumawa ngayon. alam ko namang walang kwenta yung mga nakasulat dun pero pinagmamalaki ko yun!


  • Unang beses ko ring nakapag-drawing sa cyworld.
    • gamit ang mouse. ang hirap! hindi ko na uulitin un. naka-ilang ulit ako bago ko natapos ang drawing ko. actually hindi naman talaga drawing un, signature ko yun.


  • Unang beses ko ring naglagay ng picture sa cyworld lang.
    • nahihiya kaya akong ipakita yung mukha ko sa kanila kahit na alam ko namang walang papansin nun.

  • Unang araw ngayon ni rachel sa trabaho niya.
    • hooyy haaaa~~ hindi ako naiinggit!! naalala ko lang. isinama ko lang sa first of first ko. pero naisip ko, paano kung tumuloy ako sa final interview sa denso? tanggap rin kaya ako? magkasama kaya kaming nagwo-work ngayon ni rachel? hhmm.. tama na! ginusto ko yun. kasi gusto ko talaga sa field ng electronics. ayaw ko mapunta sa ibang field! mabuti na yun.

Ayan... hindi ko alam kung ano ang meron sa October 1 at gumawa ako ng mga kauna-unahan kong entry sa mga blog na yan.

Aaminin ko wala akong alam sa mga paggawa ng blog entry pero sinubukan ko.

  • malay ko.


  • malay mo.


  • malay sia.
may magbasa pala nitong isinulat ko at matuwa sa sinabi ko kahit alam kong corny. katulad mo! binabasa mo ngayon ang blog ko.

nga pala, unang bese ko rin palang gumawa ng blog entry dito sa blogger. hoorrraaaayyyyy! improving ang lola mo! hindi ko napansin kaagad yun ahh..

nga pala, baka pwede mo naman akong tulungan? since, hindi naman ako talaga blogger, hindi rin ako magaling sa pag-sulat ng mga ganito.. paano ko tatapusin ito?

ikaw! ano sa tingin mo? para sa isang baguhan... yung unang beses kong pag-try na gumawa ng blog entry?

okay ba?

ayos ba?

tama ba?

bababa?

bababay.