Monday, October 1, 2012

Kaya pala... Now I know...

Naalala ko yung (one and only), first and last movie ng Super Junior. Yung Attack on the Pin-Up Boys.
Napanood mo yun? Anong masasabi mo? Corny ba? Maganda ba yung story? May mapupulot bang aral o poop sa movie na yun? Waste of time ba? Para lang ba masabi na may movie sila kaya sila gumawa ng ganun?

NOTE: FAN AKO NG SUPER JUNIOR. (wala lang akong maisip >_< naku~~ implemented na ata yung Republic Act No. 10175: Cybercrime Prevention Act of 2012... Baka makasuhan ako ng cyber bullying. Hindi naman po ako nambu-bully!!)

Kung isa ka sa mga anti-fan at hindi ka talaga fan ng K-pop o kung ano pa man, malamang negative ang comment mo. (hindi ko nilalahat aahh.. karamihan lang naman..)

Kung napanood mo yun, naiisip mo ba ang naiisip ko? Malamang hindi. Hindi naman tayo sina B1 at B2. uwak uwak uwak...

Teka nga... Lumalayo na ata ako sa title ng entry na to. Kung nabasa mo yung kauna-unahan kong post, alam mong hindi ako marunong gumawa ng katulad ng ganito at wag mong babasahin yung susunod na sentence kasi para yun sa mga ngayon palang makakabasa ng blog entry ko. :) Pakibasa na lang ung naka-underline na words... Nakakatamad na i-type ulit. Noon ko pa gustong subukang magsulat sa blog. Kaya lang, ayun nga..

Ito na...

Bakit ganoon na lang kung mag-effort sila sa pagsusulat sa blog? Anong benefits ang nakukuha nila?

Wild guess lang... ayon sa movie ng SuJu, nung dumami ung mga nagbi-visit at nagbabasa sa blog ni Kibum. He felt great. It was the first time he ever got so much attention. Kaya pala...

Now I know what Kibum felt. scripted nga pala yun. Nakakatuwang may 16 na nag-aksaya ng kanilang oras para buksan ung kauna-unahang blog entry ko. okay lang naman sakin kung hindi nila binasa un. Wala namang kwenta yung nilalaman nun. Hindi pa magkakakonekta ung mga pinagsasabi ko. Isa na nga lang ung joke nun corny pa. Katulad ng binabasa mo ngayon...

O diba.. Umaasenso na ako ngayon. Mahaba na ngayon yung naisulat ko. Isang achievement ito para sakin.  Maganda rin pala yung wala na akong maisip na gagawin. Nakapagsulat ako ng ganito.

Ito na naman yung pinakamahirap na part. Yung ending. Hindi ko alam kung paano ko ikokonek ung title sa ending. Wala na naman akong maisip. Hindi tulad sa school kapag may assignments o exams, may possibility ako na makakopya. Dito, wala akong mapagkopyahan. Pero pwede ko naman gawin ung ginagawa ko sa school kapag wala na talaga ako maisip. Naiisip mo ba ang naiisip ko? Simple lang.

























:)

No comments:

Post a Comment