Friday, August 2, 2013

Day 1 part 1

Workout 1
1. Basic crunch - 10 times
2. Long arm crunch - 10 times
3. Simple plank - 10 seconds
4. Roll up - 10 times
5. Situps - failed
6. Jump rope - 200 jumps

Failed ung situps.. Hindi ako tinulungan ng kapatid ko.. Walang uupo kasi dun sa paa ko. Kamote lang..

Mamaya.. Jog naman mamayang gabi.. Tapos isang ulit nung workout 1..
Sana magawa ko na mamaya ung situps..

Antagal ko rin palang hindi nag-exercise.. Simula nung nakareceive ako ng job offer natigil tapos nagkasunod sunod ung ulan..

Okay na ung pakonti konti para hindi ako mabigla.. Sana next week times 2 na magagawa ko..

Tara! Samahan mo ako. Maging fit and healthy na tayo!

Tuesday, July 23, 2013

XNOR

Pagkagising na pagkagising ko, narealize ko na XNOR GATE ang pinakasummary ng pag-ibig~~ hahahaha!

Sa pagkakatanda ko, mag-o-ON lang ang XNOR kapag ang parehong inputs ay pareho..

Angulo no? Babawan natin ang explanation.

Halimbawa, si Boy at si Girl same ng religion.. Pwedeng mag-ON yan, pero kung hindi.. OFF dapat yan~~


Ainaku~ ano na naman ba ang meron bakit ako nagpopost ng walang kakwenta kwentang bagay?

Basta ang alam ko, nakausap ko siya kagabi~~ medyo may pagka-slang ang salita nia.. XD

ANDOR GATES

Ako ay nagbabalik para sa isa na namang walang kwentang blog post ko.


Itong blog entry ko ay para sa mga nakakaunawa ng logic gates upang mas madaling maintindihan.


Ang pag-ibig para sa amin na kaanib sa religion namin ay maihahalintulad ko sa AND GATE. Magiging ON lang kapag ang lalaki at babae ay same religion lang.


Pero may mga taong sadyang pasaway lang na gumagamit ng OR GATE. Magkaiba ng religion si boy kay girl or si girl kay boy, pero nagiging ON parin.


Pero gusto kong subukan ang OR GATE~~ hahahaha!


Wala akong pinatatamaan rito ahh..


Hanggang dito na lang.. Nagbubuffer ang isip ko~~ TT-TT

Sunday, May 5, 2013

chopsuey~~

Ang blog daw ay para lang sa dalawang klase lang. Those who have the right and those who only have nerve.

Aaminin ko, kabilang ako dun sa pangalawa. haha!

chopsuey lagi ang mga topics ko.

so far, hindi ako masyadong gumagamit ng English.. hindi ko kaya, baka maging sabog sabog lang.

ayun, walang kwenta topic ito..

may nabasa lang ako kaya ako nag-post ulit.

natamaan kasi ako.. hahaha!

good night!

Friday, March 15, 2013

Master Poker Face

Dahil sa kabado ako sa pwedeng mangyari sakin mula march 18, humingi ako ng payo sa mga kaibigan ko. Maraming salamat sa magagandang totoong payo nila sa akin! ;)

Napaisip ako ng husto, hindi talaga dapat ako matakot! Sabi ng isa kong kaibiga ang galing ko daw makisama. Kung siya daw ako hindi niya kaya yun.

Kung may master chef, ako na siguro ang master poker face. Ang galing ko yatang magtago ng pagkainis o pagkayamot ko! XD

Mahirap ikwento kung bakit. Paniwalaan niyo na lang na ako ang master poker face! Itago na lang nating siya sa pangalang Eli Soriano. Paalala: hindi niya ito tunay na pangalan. Kung kilala mo si Eli Soriano, alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin. Maaari mo kasi siyang ihalintulad kay Eli Soriano. Wagas kasi siyang mag___________.

Ang hirap noong mga panahong iyon. Ako lang mag-isa. Walang ibang makakapagtanggol sa akin kundi sarili ko lang. Subalit pwede pa rin naman akong ipagtanggol ng mga kaibigan at kakilala ko kasi napatunayan naman na nila yun. Waaaaaaaaa!!! Magulo! Hindi ko maipaliwanag!!!

Ikukuwento ko na lang sa iyo kung mag-kita tayo.

"Never pretend to be something you’re not." 

Kinopya ko ang quote na yan sa facebook.


Magpakatotoo ka lang pag may time aahh.. Bawas bawasan rin ang mga kasinungalingan. Mas madaling mabuhay kapag ganoon ang ginawa mo. Payo lang.

Wednesday, November 28, 2012

I wish that my wishes will come true. :)

Anong meron at puro wish ang title nito? Alam mo na ba? hahaha! O sige, nabanggit na rin ang wish na yan, ito ang aking mga wish list para sa akin araw..

  1. Iphone 4S 64GB Black. Ayaw ko ng Iphone 5.
  2. The new Ipad 64GB Black. Pwede na rin yung Ipad mini.
  3. Casio Privia 735-PX Black.
  4. My First Date with Leeteuk (Park Jungsoo). Maganda rin kung palagiang date yan. :)
  5. Boyfriend Contract with Leeteuk. Actually asawa ko na siya, kaya lang sa isip ko lang. Ang gusto ko siyempre yung totoo. Kahit contract lang, one week ko siya maging boyfriend, okay na sa akin. Sobrang saya ko na nun.
  6. End-of-Boyfriend Contract with Leeteuk. Si Eunhyuk (Lee Hyukjae) naman ang maging boyfriend ko at maging asawa ko na for life. :) hahahaha! Gusto ko sana si Leeteuk ang maging asawa, kaya lang masyado na siyang matanda. Hindi na niya ako mahihintay.
  7. Job offer. Gusto ko job offer galing sa Bitmicro o kaya sa MDS o kaya sa kahit anong company na nag-oofer ng work na Electronics Design Engineer.
  8. Maging kasing galing ni Sir Attack. Idol ko si Sir! Mahusay na at humble pa.
  9. Maging mayaman at sexy ako!
  10. At higit sa mga ito, Gusto ko magkaroon ng isang malaking freezer na ang puro laman ay iba't ibang flavor ng ice cream!!!


Alin kaya diyan ang magkakatotoo? Hanggang kailan ko hihintayin yan? Ang tagal naman. Naiinip na ako.

Teka lang, pero materyal na bagay at pansariling kapakanan ko lang yan...
Siyempre, higit sa lahat ng iyan... ang pinakakahiling ko ay...


  1. Ang makatugtog. Hindi ko na babanggitin kung anuong pagtugtog yan. Basta. Ito kasi yung pangako ko sa Kanya na kapalit ay yung sa board exam. Ginawa na Niya. Tulungan Niya muli ako na matupad yung pangako ko. :)
  2. Ang maging healthy ang family ko.
  • Pinakauna, si lola ko.
  • Si tatay at mommy ko.
  • Ang mga kapatid ko.
  • Ang mga tito ko.
  • Ang mga tita ko.
  • Ang mga pinsan ko.
  • Ang mga kaibigan ko.
  • Ang mga kakilala ko.
  • Ang mga umiidolo sa akin. (Meron ba? Ilan ang fans ko rito? Chos!)
  • At panghuli, ang mga kaaway ko. Wag na kayong pumalag... Kaaway ko nga kayo eh... Kaya panghuli kayo~~ Peace!
Idagdag mo pa sa hiling ko ang.. Maraming blessings sana ang dumating sa akin at sa family ko.

At ang pinakahuli... Hindi ako sigurado kung hinihiling rin ito... Pero para sigurado.. Hihilingin ko na rin. :)

Ang maging isa akong mabuting tao. :)

Friday, November 9, 2012

wat-es-kul?

Naalala ko lang, nakwento ng tatay ko na may officemate siya na niyayabangan siya. Sinabi niya sa tatay ko "There are only two schools in the Philippines. UP (University of the Philippines) and Others."
Ang sagot naman ng tatay ko sa officemate niya, "Ganun rin ang sa akin. There are only two schools in the Philippines. LC (Laguna College) and Others."

Napanood ko sa TV kanina na tumaas na naman ang mga walang trabaho dito sa Pilipinas ngayon. Ang nakakainis kasama ako roon.

Ngayon ko nararamdaman ang hirap ng paghahanap ng trabaho. Nagsisisi ako kasi may nag-offer na sa akin ng trabaho hindi ko tinanggap. Nagsisisi ako kasi hindi ko dinaluhan yung final interview nung isang company na in-apply-an ko. Kung hindi ako mapili ng kumpanyang papasukan ko, malamang siguro may trabaho na ako at hindi ako kasama sa mga bilang ng walang trabaho. Nakakainis! Ang tanga ko magdesisyon! Feeling ko kasi madali lang ako makakahanap ng trabaho, hindi pala.

Gusto kong magtrabaho sa kumpanyang ito pero sabi nila walang vacant for that position. Nasa isip ko 'sinabi lang kaya nila yun para pampalubag loob? ayaw lang nila sabihin na hindi ka nag-aral sa ganitong school kaya hindi kita tatanggapin. Mas priority namin yung mga nag-aral sa school na ganito.' Hay~~ ayaw ko mag-isip ng negative pero yan talaga ang naiisip ko.

WHAT SCHOOL?

Sana pala, pinagpilitan ko sa mga magulang ko na mag-aral sa paaralan na yun (hindi UP). Nakapasa naman ako sa entrance exam nila. Kaya naman ng magulang ko yung tuition, yun nga lang ayaw nila kasi masyado daw mahal para sa kurso ko. Kainis!

Hindi ko sinisisi ang paaralan ko. Ang sinisisi ko ay ang sarili ko.
Nag-aral naman ako. Sa school nga lang, hindi ko tinutuloy sa bahay. Ang paniniwala ko kasi, sa school dapat mag-aral hindi sa bahay, kaya nga pumapasok sa school para dun mag-aral.

Bakit nga ba hindi ko piangbutihan ang pag-aaral?

Hindi naman ako tanga, slow, bobo, o tamad. Kulang lang ako sa motivation para mag-aral ng mabuti.

Tinutubuan na ako ng inferiority complex sa katawan. Take note! Patubo pa lang... nagsisimula pa lang.

Hay buhay~~

Teka nga, parang ang haba ng nitong pinagsasasabi ko at nalihis ang nilalaman sa title. Ang gusto ko lang mangyari ay magkaroon ako ng sarili kong quote. Ang nangyari ay nagkwento na ako ng kung anu-ano. Pasensya na.

O ito na, para matapos na ito, sasabihin ko na ang dapat sabihin.

Hindi ko alam kung meron na nito. Hindi ko "SINOTTO" ito. Kung meron man nauna sa akin, edi sa kanya na. Basta ang alam ko, ako ang nag-isip nito.

Ito ang aking version...

"There are only two schools in the world. MY school and YOUR school. Palag?" -heinahmei

*CORNY*