Tuesday, November 25, 2014

Latest Top Ten


Bago pa siya mag-retire, nagawa niyang makabalik sa pinaggalingan niya. Yan na siguro ang first and last visit niya sa SK. ;)

---------------------------------

Naalala ko rin, ilang beses kami ni Ida kinukulit ni mommy na magpunta ng Singapore at Malaysia. Lagi akong umaayaw. Gusto ko kasi ang unang country na pupuntahan ko ay South Korea. Ayos, natupad naman ayon sa aking gusto. Salamat sa Kaniya. :D

----------------------------------

Way back November 28, 2012 at August 26, 2013, isinulat ko 'yung wishlist ko.
Ngayong labor month ng mommy ko sa akin, i have new set of wishes pero meron pa ring luma. 'Yung iba may modifications akong ginawa. Hahaha!

1. Gusto kong maging isang Biomedical Engineer. Gusto kong makatanggap ng scholarship for my master's degree at gusto ko sa KAIST ako mag-aaral. Sana maawa ang Ama sa akin. :)

2. Gusto kong ma-experience 'yung nasa loob ako ng isang napakalaking bula. Hahaha! Hindi na ito bago, dati ko na itong hinihiling~~ konting tiis pa, makakamit ko rin ito. ;)

3. Gusto ko ng remote control monster truck. Traxxas Stampede 4x4 VXL or Traxxas E Maxx or HPI Savage Flux HP. Basta alin sa tatlo~~ nakakaiyak lang sa sobrang mahal.. TT^TT

4. Gusto kong makabalik sa South Korea. Sana 7 days vacation naman. Mga bandang last week ng October. 'Yung mga hindi namin napuntahan, sana mapuntahan ko sa susunod na pagbisita ko, lalo na 'yung sa mga tiger~~ gusto kong makayakap ng tiger.

5. Gusto ko talaga masubukan ang bungee jump. Gusto kong masubukan ang mahulog. Literal na mahulog o malaglag. 'Yung pakiramdam ng walang sasalo sa iyo. Gusto ko sa South Korea ko susubukan.



6. Gusto ko makatanggap ng birthday greetings through mail. Ulit. Birthday greetings through mail. Dagdagan na rin nila ng konting message para bumigat bigat ng konti 'yung sulat. Hahaha! Isa rin ito sa matagal ko ng hinihiling. Ito 'yung isa sa tingin ko na pinakamagandang birthday gift. :D

7. Gusto kong magkaroon ng sariling album. Mga 12 songs lang. Wait. Lilinawin ko. Gusto kong magkaroon ng sariling Kpop album. Ako ang recording artist. Maganda na rin kung lahat ng iyon ay may music video ko. Hahahaha!

8. Gusto kong makatanggap o makahanap ng totoong four-leaf clover. Hindi dahil sa gusto kong maging swerte. I'm already blessed enough, i don't need luck. Hahaha! Taray! Biro lungs~~ kasi nakita ko na 'yung itinuturing kong four-leaf clover.

9. Gusto kong maibalik ang ganda ng ios at ng iphone. Hahaha! Hindi na kaya maganda ang design nila. Nawala na 'yung simple and elegant style nila.

At ang pinakahuli..

10. Gusto kong umakyat ng bundok sa South Korea at isigaw ng ubod lakas ang tunay kong nararamdaman. Ang matagal ko ng kinikimkim. Yearly ko na lang ba ito hihilingin? Hahaha! Ilang years na rin.. Waley pa.. XD


Ilan kaya sa mga 'yan ang matutupad. Karamihan ulit sa kahilingan ko, kaabnormalan, kalokohan sa paningin ng iba. Hahaha! Hindi ko sila masisisi, ako rin, ganoon rin ang tingin ko.. XD

Pagbigyan niyo na akooo~~ libre naman ang mangarap.. Hahaha!

Pero sana talaga matupad.


Mark 11:24

Monday, August 26, 2013

Mga Munting Kahilingan ni heinahmei

Munting pangarap ngunit mahirap matupad. :)

'Wag mawalan ng pag-asa. Kapag nawalan ng pag-asa, mawawalan tayo ng ideya kung ano ang mangyayari sa panahon. Okay. Tama na. Last na 'to.

Promise. Walang halong biro. Gusto ko talaga ito.

1. Gusto kong ma-experience 'yung nasa loob ako ng isang napakalaking bula. Kagaya ng mga napapanood ko. Kahit na hindi nililipad mahalaga 'yung nasa loob ako.
2. Gusto kong magtanim ng puno. 'Yung project ng company na tree planting. Siyempre gusto ko 'yung ako mismo ang magtatanim. Ayaw ko 'yung pumunta lang ako tapos nagpapicture na kunwari nagtanim ng puno pero hindi naman.
3. Gusto kong ma-experience na tumulong sa charity na para sa mga matatanda.
4. Gusto kong subukan ang mabitin ng nakatiwarik. Ewan ko ba, basta gusto ko maramdam 'yung pakiramdam na nakabitin patiwarik.
5. Gusto kong makatanggap ng sulat mula sa kaibigan. 'Yung katulad ng activity noong high school na gagawa ka ng isang liham tapos ipapadala mo sa address ng sinulatan mo. Kaso, noong panahong iyon, hindi naman nangyari kasi pwede naman iabot na lang. Matrabaho pa kapag ipapadala mo pa. Matagal pa bago matanggap.
6. Gusto kong gumulong sa damuhan. Nagawa ko na ito, kaso sandali lang. Gusto kong ulitin.
7. Gusto kong umakyat sa bundok at sumigaw ng napakalakas. Ano nga pala isisigaw ko?
8. Gusto kong makahawak ng lion o kaya tiger. Tapos gusto ko rin na makipaglaro sa kanila. 'Yung tipong kakagatin na nila ako sa sobrang paglalaro lang.
9. Gusto kong lumangoy kasama ng mga dolphins. 'Yung dadalhin nila ako sa pinakamalalim na part ng dagat hanggang sa maubusan na ako ng oxygen sa katawan at tubuan ako ng hasang.
10. Gusto kong mahulog. Gusto ko ang pakiramdam ng nahuhulog. Gusto kong subukan 'yung bungee jumping. 'Yung katulad ng napanood ko sa mga videos ng super junior. 'Yung nasa sobrang mataas na lugar at ang babagsakan o nasa ilalim ay tubig.
11. Gusto kong isigaw na crush kita. Biro lang.

:D

Tuesday, August 13, 2013

What is crush?

What is crush?

Hindi ko rin alam. Itanong mo kay Ramon Bautista, baka sakaling masagot niya.

Ayon sa kaibigan ko, ang crush ay may iba't ibang degree ng paghanga sa tao.
Pwede natin ikumpara sa frequency. nagsisimula sa ELF (extremely low frequency) hanggang sa EHF (extremely high frequency)

pero siyempre kontian lang natin. mauubusan ako ng sasabihin. hahaha!

May very low level, ito 'yung sa unang tingin mo ay gusto mo siya pero paglipas ng ilang segundo, minuto, oras, araw, buwan at taon ay wala lang pala. Okay. Dami kong sinabi 'no?

May low level na hanggang crush lang, 'yung hinahangaan lang.

May medium level na nasa alanganing paghanga, alanganing gusto.

May high level, ito 'yung gusto mo na siya.

May very high level, para sa akin, ito na ang pinakamataas. Ito na 'yung isang pitik o kembot na lang ay love na. Hindi na sakop ng spectrum ko ang love. Next topic na lang 'yan. Iba ang love na alam ko. God is love lang ang alam ko. XD


-Sa palagay ko, ang pinakatamang sagot para sa akin ay nakadepende sa taong tinatanong kung ano ang isasagot niya sa tanong na iyan.

-mas maganda ang magiging sagot kapag galing mismo sa iyong puso at isip. :)

Naks! Ako ba si heinahmei na nagpost nito? Unbelievable!

-end-

Monday, August 12, 2013

Capacitor vs. Battery

Ang capacitor pwede natin ihalintulad sa puso.
Kapag nagcha-charge na ang capacitor katumbas nito ay may nagugustuhan na ang puso.
Kapag discharging naman si capacitor, ito ang pagkawala ng pagkagusto ng puso sa isang tao o bagay..

Pwede rin naman ihalintulad sa battery ang puso. Pero mas maganda kung capacitor kasi hayaan mo lang lumipas ang panahon, hindi mo namamalayan na-discharge na. Ibig sabihin, nawala na ang feelings mo para sa isang tao. Unti unting nawawala.
Samantalang ang battery (kung tama ako ng pagkakatanda na nabasa ko kay grob or sa neets) kapag nag-short iyan, an explosion can occur? Tama ba? Hahahaha!

Enough! Magulo na!

Ikaw? Ano sa tingin mo saan mas maganda ihalintulad ng puso pagdating sa pagkagusto mo sa isang tao?

Hahahaha!

Next time ko na lang ieedit ito.. Inaantok na ako.. :)

Monday, August 5, 2013

Day 3

1. Basic crunch - 30 times
2. Long arm crunch - 30 times
3. Simple plank - 30 seconds
4. Roll up - 15 times
5. Situps - as usual, failed
6. Side plank (right and left) - 20 each side
7. Leg drop - 10 times
8. Alternate superman - 20 times
9. Squats? - 20 times
10. Jump in rope - 200 jumps
11. Walk in place - 5 minutes

Kahit na masama ang loob ko dahil sa balitang nakarating sa akin.. Ayan, ipinagpatuloy ko pa rin ang exercise..
Sa ngayon, hindi ko alam kung nag-improve ako.. May mga nadagdag sa workout ko.. May nabawas sa biglan at may hindi pa rin ako magawa..
Okay na yan, hindi ako nagmamadali.
Wala na ang dahilan kung bakit ako nagpapapayat..
Bahala na..
Sana yung kaibigan ko sa opisina may makita na boxing or kickboxing na pwedeng pag-enroll-an.. Sana makasama ko rin siya.. :)

Sunday, August 4, 2013

Day 2

Day 2 na naging Night 1..

Sabi ng aking mamahaling kaibigan na si chindhie.. Alternate days lang gagawin ang exercise.. Mas effective daw un.

Ayun, hindi ko siya sinunod. Ang hindi ko lang ginawa ay yung workout para sa abs..

Jumping rope (Jump-in-rope) - 400 jumps
Walking place (Walk-in-place) - hindi ko alam basta ginagawa ko yan after ng 100 jumps. Hindi ko rin maalala kung lang minuto ko yan ginagawa.

So far, naka-30mins ako na exercise? Pagpapapawis ngayong araw na naging gabi..

Achievement na ito para sakin. Madali kasi akong sumuko lalo na kapag ayaw ko yung ginagawa ko. Sana magtuloy tuloy na ito.
Sana dumating yung araw na mailalabas ang bagong version ni heinahmei.

heinahmei version 3.0 soon..

Maraming salamat sa iyo kasi ikaw naging inspirasyon ko maliban kay chindhie..

Masasabi ko rin sa iyo ito..

"Excuse me, do I know you?"

Taray! Pero siyempre hindi ko sa iyo gagawin yan.. Kasi hindi kita kakausapin.. 

XD

Friday, August 2, 2013

Heart was designed like a calculator..

.

Kamote! Naunahan na pala ako.. Ngayon pa lang ako nag-iisip para sa calculator, may nakasulat na pala..

"Isipin mo na lang kung ang puso ng bawat tao ay hango sa design ng isang calculator. Pwede mong i-set ang function. Pwede mong i-off ang kakayahan nitong magmahal. Madali lang din naman ibalik kapag pwede na. At ang pinaka importante sa lahat, gaya ng karamihan sa ating mga electronic na kagamitan, kung sakaling magka-problema tulad ng sitwasyon ko, napaka-applicable ng time-tested na pangunang lunas; ang katok at ihip..."


-nakuha ko po pala ito sa blog ng officemate ko na nakuha niya sa blog/facebook/etc. ni akoposijayson..


Op amp! Mali pa ata ung nabanggit kong account..


May idadagdag lang ako...


Preconditions: fx-991ES PLUS is used. Calculator literate.


Press Shift + 9.


Result: Clear? 1: Setup

2: Memory
3: All

Pwedeng ganun na lang gawin para makalimot. Ang problema nga lang, hindi na pwedeng i-undo o irestore mula sa recycle bin o kaya kahit isang libo ng memory plus capsule ang inomin mo, isama mo na pati box, hindi mo na maaalala lahat.


-frustrated writer/blogger


Kamote! Walang katalent talent sa pagsulat at paggamit ng maganda salita! XD